Thursday, December 9, 2010

*MISS UNIVERSE*

Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko,
Pag-ibig ko sayo'y di magbabago;
Sayo ko lamang ito ipinapangako,
Kumulog kumidlat man at bumagyo.

Di baleng maubos ang pera ko sa bangko,
Mabili ko lang lahat ng iyong  mga luho:
Ayaw kong sa akin ikaw ay nagtatampo,
Para bang madudurog ang aking puso.

Sabihin man ng iba na ako'y loko-loko,
Dahil ikaw raw ay si miss belmoko;
Para kang alak na hinahanap-hanap ko,
Sasairin pati huling patak hanggang sa malango.

Friday, November 26, 2010

*BULAKLAK*

Napakaganda ng mga bulaklak,
Kanilang bango'y humahalimuyak;
May isang pambihirang bulaklak,
Ang bango ay humahalimuyak

Mga bubuyog na sandamakmak,
At mga paro-parong sangkatutak;
Gustong sipsipin kahit na latak,
Sayang ang bawat patak.

Merong pinakamalaking bulaklak,
Makikita sa bayan ng Batac;
Kapag kamay mo'y isinalpak,
Pwedeng-pwede kang pumalakpak.

Monday, November 22, 2010

*ROSE*

Ang rose ay isang uri ng bulaklak,
Ito ay simbolo  ng  pagkabusilak:
Sa  mga  nag-iibigan  ay palasak,
Sa  puso at  isipan ay  nakatatak.

Ang  rose  ay  para  ding  tabak,
Sa  tangkay  ay  hwag  ihahatak;
Sa  mga  tinik parang nasaksak,
Dugo  sa  kamay  ay   papatak.

Kung sa  panliligaw  ang  balak,
Piliin mo ang rose  na  bulaklak;
Sa  sinisinta  ay  iyong  itambak,
Ang  puso  nya  ay papalakpak.

Kung  di  alam  ang  nasa  utak,
Ang  puso't  isipan ay di  tiyak;
Sa  tatlong  rose  na  bulaklak,
Ang  ibigay mo ay  kulay  lilak.

Pagtanggap  nya'y  nagagalak,
Matamis  na  oo  ay  natitiyak;
Di  bale  na  maging  bulagsak,
Makamtan pag-ibig na busilak.

Pag  binigyan mo ng bulaklak,
Subalit  sya ay  nagpapalatak;
At  bigla  ka  na lang sinapak,
Di  type ang  mukhang Pugak.

Monday, November 15, 2010

GENESIS

Magandang araw at gabi sa inyong lahat sa mga tumatangkilik ng aking bagong blog. Edit ko po yong naunang mensahe ko na aking inilagay dito, Iyong pamagat di ko na pinalitan kung di ako nagkakamali ay parehas din lang naman sa tagalog at english. Gumawa pa ako ng isa kong blog na mga english poems naman ang aking ipopost doon. Sana po tangkilikin nyo po ang aking mga blog upang maging insperado naman ako sa paglikha pa ng mga bago at nakakatawang mga tula na syang pupukaw ng inyong kalungkutan. Ang mapaligaya ko po kayo, mapatawa o mapangiti ay aking pong kagalakan. Bukod po sa tagalog ay mayroon ding Ilokano at Pangasinan na tula na aking ipopost. Pati po ang mga lumang tula ay akin din pong ilalagay dito para naman po sa mga bagong makakatunghay ng aking mga tula.Ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na po ako sa inyo, kung wala po kayo di po magagawa ang blog na ito.