Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko,
Pag-ibig ko sayo'y di magbabago;
Sayo ko lamang ito ipinapangako,
Kumulog kumidlat man at bumagyo.
Di baleng maubos ang pera ko sa bangko,
Mabili ko lang lahat ng iyong mga luho:
Ayaw kong sa akin ikaw ay nagtatampo,
Para bang madudurog ang aking puso.
Sabihin man ng iba na ako'y loko-loko,
Dahil ikaw raw ay si miss belmoko;
Para kang alak na hinahanap-hanap ko,
Sasairin pati huling patak hanggang sa malango.
Thursday, December 9, 2010
Friday, November 26, 2010
*BULAKLAK*
Napakaganda ng mga bulaklak,
Kanilang bango'y humahalimuyak;
May isang pambihirang bulaklak,
Ang bango ay humahalimuyak
Mga bubuyog na sandamakmak,
At mga paro-parong sangkatutak;
Gustong sipsipin kahit na latak,
Sayang ang bawat patak.
Merong pinakamalaking bulaklak,
Makikita sa bayan ng Batac;
Kapag kamay mo'y isinalpak,
Pwedeng-pwede kang pumalakpak.
Monday, November 22, 2010
*ROSE*
Ang rose ay isang uri ng bulaklak,
Ito ay simbolo ng pagkabusilak:
Sa mga nag-iibigan ay palasak,
Sa puso at isipan ay nakatatak.
Ang rose ay para ding tabak,
Sa tangkay ay hwag ihahatak;
Sa mga tinik parang nasaksak,
Dugo sa kamay ay papatak.
Kung sa panliligaw ang balak,
Piliin mo ang rose na bulaklak;
Sa sinisinta ay iyong itambak,
Ang puso nya ay papalakpak.
Kung di alam ang nasa utak,
Ang puso't isipan ay di tiyak;
Sa tatlong rose na bulaklak,
Ang ibigay mo ay kulay lilak.
Pagtanggap nya'y nagagalak,
Matamis na oo ay natitiyak;
Di bale na maging bulagsak,
Makamtan pag-ibig na busilak.
Pag binigyan mo ng bulaklak,
Subalit sya ay nagpapalatak;
At bigla ka na lang sinapak,
Di type ang mukhang Pugak.
Ito ay simbolo ng pagkabusilak:
Sa mga nag-iibigan ay palasak,
Sa puso at isipan ay nakatatak.
Ang rose ay para ding tabak,
Sa tangkay ay hwag ihahatak;
Sa mga tinik parang nasaksak,
Dugo sa kamay ay papatak.
Kung sa panliligaw ang balak,
Piliin mo ang rose na bulaklak;
Sa sinisinta ay iyong itambak,
Ang puso nya ay papalakpak.
Kung di alam ang nasa utak,
Ang puso't isipan ay di tiyak;
Sa tatlong rose na bulaklak,
Ang ibigay mo ay kulay lilak.
Pagtanggap nya'y nagagalak,
Matamis na oo ay natitiyak;
Di bale na maging bulagsak,
Makamtan pag-ibig na busilak.
Pag binigyan mo ng bulaklak,
Subalit sya ay nagpapalatak;
At bigla ka na lang sinapak,
Di type ang mukhang Pugak.
Monday, November 15, 2010
GENESIS
Magandang araw at gabi sa inyong lahat sa mga tumatangkilik ng aking bagong blog. Edit ko po yong naunang mensahe ko na aking inilagay dito, Iyong pamagat di ko na pinalitan kung di ako nagkakamali ay parehas din lang naman sa tagalog at english. Gumawa pa ako ng isa kong blog na mga english poems naman ang aking ipopost doon. Sana po tangkilikin nyo po ang aking mga blog upang maging insperado naman ako sa paglikha pa ng mga bago at nakakatawang mga tula na syang pupukaw ng inyong kalungkutan. Ang mapaligaya ko po kayo, mapatawa o mapangiti ay aking pong kagalakan. Bukod po sa tagalog ay mayroon ding Ilokano at Pangasinan na tula na aking ipopost. Pati po ang mga lumang tula ay akin din pong ilalagay dito para naman po sa mga bagong makakatunghay ng aking mga tula.Ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na po ako sa inyo, kung wala po kayo di po magagawa ang blog na ito.
Subscribe to:
Posts (Atom)